Tatakbo papabalik 'pagkat binawi mo
Ang dapat sa 'kin ngayon, sa atin noon
Bakit ba gano'n? Minuto, araw, buwan, at taon
'Di man lang sinamantala ang bawat pagkakataon
At panahon, niluwa na ng kahapon
Hinahanap-hanap (hanap) ko ang pag-ibig mo
Kahit na mahapdi kang magmahal
Kung 'di na kaya pang ayusin (ayusin), halika't lasapin
Tamis ng kirot ay titiisin
Sana'y sinulit ko ang bawat saglit kahit masakit
Sana'y sinulit ko ang bawat saglit kahit masakit
Pangakong inukit ay kumupas
Parang tuyot na rosas, nalalanta
Ang oras, makakatakas ba sa bukas?
'Di maaari pang maulit, 'di mapigil ang sayaw ng
Orasan na papunta, aking sinta, nasaan ka na?
Hinahanap-hanap (hanap) ko ang pag-ibig mo
Kahit na mahapdi kang magmahal
Kung 'di na kaya pang ayusin (ayusin), halika't lasapin
Tamis ng kirot ay titiisin
Sana'y sinulit ko ang bawat saglit kahit masakit
Sana'y sinulit ko ang bawat saglit kahit masakit
Ooh-ooh-whoa
Sana'y sinulit ko ang bawat saglit kahit masakit
Sana'y sinulit ko ang bawat saglit kahit masakit (masarap na masakit, oh-yeah)
Sana'y sinulit ko ang bawat saglit kahit saglit (kahit saglit)
Sana'y sinulit ko ang bawat saglit kahit saglit (saglit)